Una sa lahat nais ko pong batiin ng magandang araw o gabi sa lahat ng bumabasa sa aking ginawang komposisyon o sulat handog ko sa isa sa mga nakapagpasaya ng buhay 1st year ko dito sa IIT, ang CWTS. Sa aking mga kakaklase na bumasa nito, salamat ng marami. At sa hindi nag atubiling basahin ito, mas nagpapasalamat ako sa inyo :). Nais ko rin pong batiin ang aming walang katulad na magtuturo, Prof. Peter Jon "Uchiha" Mendoza, magandang araw/gabi Sir at salamat sa pagbibigay oras na basahin itong ginawa ko. Ok, mukhang ayos na yata lahat, magsisimula na akong talakayin kung anung naibigay kong tulong sa subject na ito at kung anu-ano ang natutuhan ko sa loob ng isang taon dito sa CWTS.
Noong una, aaminin ko sa sarili ko na unang impresyon ko talaga dito sa CWTS ay isang nakakabagot na subject. Dahil na rin sa sabi-sabi ng iba na puro daw paglilinis ang sentro nito, lalo akong tinatamad na isipin kung anong mangyayari pag ganyan lang lahat ang gagawin dahil sa katunayan napakabatugan kong tao, mula sa bahay hanggang sa lugar kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
Subalit ng ako'y mag umpisa ng pumasok para sa subject na ito, dito ko na nalaman kung ano talaga ang pakiramdam sa pagiging isang CWTS na studyante. Unang-una, sa 1st sem ko palang, aaminin ko na talagang nakakabagot ito kasi halos puro seminar lang ang naganap at kung meron mang sa labas ng klase ay iilan lamang. Pero kahit seminar lamang ito ay may naibigay akong kontribusyon. Una ay ang literal na kontribusyon, ang bayad sa nasabing seminar na iyon :) at pangalawa ay ang pagdalo sa seminar at pakikinig at pagbibigay atensyon dito (minsan). Sa maliit na kontribusyon na yon ay marami at malaki ang natutuhan ko lalong-lalo na sa mga bagay na konektado sa mga seminar na iyon.
Sa pangalawang semester ko na, sinabi ko sa sarili ko na "hayyy naku, ito nanaman tong subject na ito". Inisip ko kasi na ganun parin ang mangyayari, kabagutan nanaman. Pero mali ako. Dito na nag umpisa ang totoong kabuluhab ng CWTS, na para sa akin ay "Cause of Walang Tigil na Saya". Masaya siya kasi dito nagsimula na kaming lumabas ng paaralan at pumupunta sa mga komunidad ng Iligan upang magsagawa ng iba't-ibang bagay na may bunga o kabuluhan. Nagbigay o nag-abot tulong at kasiyahan kami sa mga tao dito, halimbawa ay ang paglilinis a kanilang palibot. Nagpasaya rin kami ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay aliw sa kanila at panahon na ma enjoy nila ang kanilang pagiging musmos. Binusog din namin sila ng mga masusustansiyang pagkain sa feeding program na aming sinagawa nitong mga nakaraang araw lang. Hindi lang sa tao at komunidad, nakatulong rin kami sa kalikasan sa pamamagitan ng Run for a Tree na kung saan bawat isa sa amin ay may handog na buto ng puno para itanim kapalit sa mga punong nawala o naputol. Bukod diyan ay marami pa kaming ginawa na hindi ko na matandaan lahat subalit nagbakat ng masasayang alaala saakin. Hindi man gaano ka laki ang naitulong ko sa mga bagay na iyon ay ayos narin dahil sa napakarami kong natutuhan na bumago sa sarili ko, isa na dun ang pagiging tamad ko at yun ang pinakaimportanteng bagay na nakuha ko dito sa CWTS at bigay nito sa akin
Maraming masayang alaala talaga ang bumalot sa pagkatao ko dahil dito sa subject na ito. Katuwaan, kabagotan, kapagodan at iba-iba pa ang dinulot saakin ng CWTS. Samahan ba naman ng cool na cool na guro na nagpapasaya saaamin at minsan pinapagalitan kami na sobrang nakakatulong saamin sa oras na kami ay kailangang magising sa aming mga pagkakamali. Kaya Sir, SALAMAT talaga ng marami. Ginawa mo ang CWTS namin na sobrang nakakaiba sa lahat. Salamat din sa inyo mga kaklase ko sa lahat-lahat na pinagsamahan natin sa loob ng sampung buwan. Nakakalungkot mang isipin na matatapos na ito at hindi na muling babalik pa ay kailangan nating tanggapin at maging masaya na minsa'y naging parte ng buhay natin ang mga pagkakataong ito.So, mukhang mahaba na yata ito at masyadong madrama na kaya kailangan ko ng tapusin. Basta yun ang mga naibigay kong tulong, kontribusyon at sa kabaliktaran malaking tulong rin ang binalik sa akin ng asignaturang ito. Hindi ko malilimutan ang mga bukod tanging karanasan ko dito, kasama kayo mga kaklase ko at ikaw Sir. Dadalhin koang mga alaalang ito dito sa isipan ko hanggang sa makatapos ako sa kursong kinuha ko kung makakatapos man :). Salamat.Salamat.Salamat sa inyong lahat. :)
Nagmamahal,
Fuentes, VJ .. hehe lol xD
![]() |
| (Meee, wearing my CWTS shirt.. CooooL :D) |




.jpg)
.jpg)
.jpg)

